ISINARA ni Sef ang takip ng Lipsation by CMA Beauties lipstick at ngumuso pa sa harap ng salamin bago ngumiti. Nude brown ang shade ng lipstick niya, bagay sa subtle make-up niya na talagang pinag-isipan niya dahil sasabak siya sa pinakaunang interview niya since dumating siya sa Maynila. She checked her outfit, a black statement dress na pinatungan ng puting blazer at three-inches na white pumps ang suot niya sa paa. Her hair was curled and in a half-pony tail. Isang maliit na investment company ang mag-i-interview sa kanya at maayos naman ang sahod at may health benefits. Hindi naman siya papatalo sa school achievement dahil may honors siya noong graduation. Ayon sa interview information ay group interview raw ang mangyayari at kapag nakapasa ay tsaka one-on-one interview with the higher ups.
"Wow! Ang gondo naman!" Nilingon niya si Gabbie na pumasok sa kuwarto niya. Finally nagkaroon na rin sila ng kaniya-kaniyang silid, marami pa siyang space for privacy. Talagang naghanap sila ni Ate Mela ng apartment na may tatlong kwarto. Sa susunod na linggo pa ang pasukan nila Gabbie kaya nasa bahay lang muna ito ngayon. Nakabili na rin sila kahapon ng school supplies ng dalagita pati na sapatos para sa uniform.
"Sa tingin mo matatanggap ako?"
"Oo naman! Ikaw pa?! Manang-mana ka sa akin na beauty and brains! Ikot ka nga, parang Disney princess!" Sinunod niya ang kapatid na pumapalakpak habang nagtu-twirl siya roon.
"Nice," nasa pintuan si Ate Mela, nakasandal roon at may hawak na mug ng kape. Hindi niya alam kung kadarating lang ito o kagigising pa lang.
"Gagalingan ko sa interview para hindi ka na ma-stress sa mga bills." Pangako niya kay Ate Mela. Kita naman sa mga mata nito na proud ito sa kanya at kay Gabbie. Nararamdaman na niya ang pagsulong ng buhay nila at ito na ang simula.
"Kain muna tayo, nakaluto na ako," ngingisi-ngisi si Gabbie.
"Nagluto ka? Himala!" Sabay pa nilang sabi ni Ate Mela. Sabay-sabay silang pumunta sa maliit nilang kitchen slash dining area. Kaunti pa lang ang mga gamit roon, mga basic needs para sa kusina. Kapag sumweldo ay bibili siya ng appliances at home decors para naman magkabuhay ang kanilang munting apartment.
"Hindi ako kakain ng marami, baka ma-jebs ako during interview." Sumandok siya ng sinangag at hotdog pero dahil sa excitement naparami ang kain niya. Infernez, edible ang luto ni Gabbie. Bago siya umalis ay siniguro niyang nakapaglabas na siya ng sama ng loob. As usual, Grab ang sinakyan niya dahil ayaw niyang magulo at mukhang nakipagbuno sa rush hour ang hitsura pagdating sa office. Taas-noo siyang naglakad papasok ng building at dumiretso sa lobby kung saan naroon ang receptionist.
"Hi Miss! May interview ako sa Hall A. Saan 'yon?" Nakangiting tanong niya sa babae.
"Sa fourth floor po, ikalawang pinto paglabas ng elevator."
"Thank you!" May inabot ito sa kanyang visitor's pass at ikinabit naman niya iyon sa kanyang blazer bago naglakad.
"Ay miss, saglit! Under maintenance po ang elevator ngayon. May hagdan ho sa tapat ng elevator." Bakas ang concern sa mukha ng receptionist at malamang sa malamang na iniisip nito na hindi niya kakayaning umakyat hanggang ikaapat na palapag dahil sa katabaan niya. Tumuloy na siya journey niya paakyat ng Hall A. Hindi pa siya nangangalahati sa pagitan ng main floor at second floor ay hinihingal na siya. Kasumpa-sumpa ang steps ang hagdan dahil matarik iyon! Sino ba ang nag-design ng building na ito? Ang mga nakakasalubong niya sa daan ay kakaiba ang tingin sa kanya, some were smirking at ang iba naman ay itinatago ang ngiti o awa. She ignored everything, ang mahalaga ay makarating siya sa paroroonan.
Tagaktak ang pawis at ubos ang hininga nang makapasok siya sa Hall A. May limang applicante roon, dalawang babae at tatlong lalaki. Isa sa mga babae ay nakasuot ng fitted dress na pula, luwang-luwa ang cleavage at nag-abala pang magsuot ng maliit na blazer. Ang pangalawa ay may suot na makapal na salamin, naka-brace at parang si Betty La Fea ang pormahan, ang kaibahan nga lang ay maganda naman ito. Walang pogi sa tatlong lalaki kaya hindi niya pinansin.
Mabilis niyang tinungo ang water dispenser, kumuha ng plastic cup, at nilagyan ng tubig, Nakadalawang round siya ng tubig! Ang Hall A ay maliit na function room, may stage sa harap at may mga upuan na nakahilera sa sahig. Bukod sa main door ay may isa pang pinto roon at sa tingin niya ay doon gaganapin ang mismong interview. Bago pa siya makaupo para makapagpunas ng pawis ay tinawag na ang mga babaeng applicants. Pumasok sila sa isa pang silid kung saan naghihintay ang tatlong interviewer. Isang kalbo na kamukha ni Mr. Clean, isang manang na todo kolorete ang mukha na parang si Tita Estelita, at isang bakla na mukhang nagpa-retoke dahil may gasa ito ng ilong.
Nasa kaliwa siya at magkatabi ang dalawa pang babae. Inabot nilang tatlong ang resumes. Siya naman ay pasimpleng nagpupunas ng pawis. Malamig naman sa loob dahil sa aircon pero dahil sumabak siya sa giyera kanina ay para siya sinisilaban sa init. Unang tanong, tipikal na 'Tell me about yourself.'
Ang babae na nakapula at labas ang cleavage ang naunang sumagot.
"My name is Dayana Garcia, I'm from Quezon City. Graduation last year. I like to be joining in this company ummm... because... kasi I am doing my best!" Dayana giggled. Sabay silang napabuntong hininga ni Betty La Fea.
"Good morning, I am Cherry Magtangol. Graduated from University of the Philippines-" nasamid pa ito ng sariling laway at sunud-sunod na napaubo. Inabutan ito ng Mr. Clean ng tubig at sa kasamaang palad ay lalong nasamid si Cherry sa pag-inom. Hinaplos niya ang likuran ng pobre at tsaka siya nagsimula sa pagpapakilala ng sarili.
"I am Josefa Kabayan. I finished my studies in Laguna State Polytechnic University with Basic Accounting and Bookkeeping program. I am honored to be with all of you today." Tumango-tango ang panel, magandang senyales iyon. Natapos ang interview at alam niyang swak na swak ang mga sagutan niya. Ewan na lang doon kay Miss Cleavage na parang kiniliti lagi ang kipay sa tuwing sumasagot. Natapos ang interview para sa lahat ng aplikante at ang usual ng sagot ay 'We will call you back, thank you.' Magkasabay sila ni Betty La Fea sa pagbaba ng hagdan nang marinig nila ang pamilyar na lagatok ng heels sa likuran nila.
"May trabaho na ako!" Sabay silang lumingon ni Betty La Fea, nasa likod nila si Miss Cleavage na may kausap sa phone. Hindi man lang ito nag-excuse nang dumaan ito sa pagitan nila. "Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa ng interview. For formality na lang yata sabi ni Ninong." Kung makapagsalita ito ay parang wala sila roon.
Tumaas ang kilay ni Sef at kinuhit ang babae. "Sinong ninong mo?"
"Ah, si Mr. Alvarez, yung kalbo." At nagtuloy-tuloy si Miss Cleavage sa baba.
"Kaloka naman! Nag-aksaya ako ng pamasahe para dito!" Gigil na sambit niya. Naghalo-halo na ang pagod at gutom sa sistema niya, kahit na marami siyang nakain sa agahan ay agad rin naman iyong natunaw dahil sa pag-akyat niya sa hagdan. Susugurin sana niya si Mr. Clean ngunit hindi na kaya ng katawan niya. Nagpaalam na siya kay Betty La Fea at humanap ng pinakamalapit na kakainan. Dahil mahal na ang fastfood ay sa karinderya na lang kakain si Sef. Um-order siya ng tatlong kainin, pork adobo, pinakbet, at okoy na hipon, humingi rin siya ng sabaw. Wala siyang pakialam kung ang tingin ng iba ang magmu-mukbang siya. Nakaka-stress! Magkano rin ang binayad ko sa Grab! Himutok niya.
Abala siyang lumalamon nang may humila ng upuan sa harap niya ay umupo roon. Lalong tumikwas ang kilay ni Sef dahil sa bastos na herodes na walang sense of personal space. Nag-angat siya ng tingin, napurnada ang talak niya nang makita kung sino ang herodes. Moreno, matangkad, artistahin, at may killer smile. Umurong ang lahat ng tapang ni Sef at na-conscious siya kaya pinahid niya ang gilid ng mga labi niya, baka may mumo doon.
"Puwedeng makiupo? Wala nang space eh." Nakahain ang sariling pagkain nito.
"Ah... okay."
"Nag-iisa ka," sinabawan ni pogi ang kanin nito.
"Oo, katatapos lang ng interview tapos hindi ako nakuha."
"Talaga? Sakto, hiring ang company namin." Kinuha nito ang wallet sa bulsa at ibinigay sa kanya ang calling card. Hermes Loyola. Recruiter, Prolific Group.
Malawak ang ngiti ni Sef. Mukhang sulit naman pala ang pag-alis niya ngayon, may napala siya, posibleng trabaho plus gwapong prospect jowa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro