Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11: Prince Charming


ANONG nangyari sa'yo?" tanong ni Sef kay Chinny nang makita ang nakakaawang hitsura ng babae. Kahit naman inis siya rito ay may puso naman siya at nakakaramdam ng awa. Pinaghalong pawis ang luha ang bumubura sa makeup nito, hindi rin suot ng babae ang maskara ni Catwoman kaya't lalo itong nagmukhang kawawa. "Na-rape ka ba?"

"Gaga! Kung na-rape ako dapat wala na akong suot!" Lalong itong ngumawa.

"Ano ba kasing nangyari?" Binuklat niya ang tote bag, oo, dinala niya ang malaking bag sa banyo dahil may paraphernalia siya roon ng puwedeng makatuyo ng basa niyang damit. Inilabas niya ang maliit na battery-operated na hand fan at itinapat sa dibdib.

"H-hindi ko mahubad itong costume ko," kumuha ng tissue si Chinny sa dispenser at suminga roon. "Kanina pa ako naiihi..." Tumingin ito sa ibaba at umiyak na naman.

"Huwag mong sabihing...?" tumango ito at isinara ang pinto ng cubicle. Sa sobrang sikip ng bodysuit nito ay mahirap talagang hubarin. Kinatok niya ang cubicle, naamoy niya ang masalimuot na kinahitnatnan ni Chinny. Tanggal ang inis niya rito. "Buksan mo ang pinto at tumalikod ka." Sinunod naman nito ang utos niya, wala itong choice. Sinubukan niyang ibaba ang zipper, na-stuck pala iyon kaya hindi maibaba ni Chinny. She tugged the zipper with all her might hanggang sa bumukas iyon. Puno ng pawis si ang likod ni Chinny kahit na may aircon.

Hinubad na nito ang bodysuit, mula sa kanyang bag at inabutan niya ito ng de-spray ng alcohol, wet wipes, at panty sa ilalim ng pinto kung saan may gap.

"Bakit may panty ka sa bag?" Curious na tanong nito.

"For emergency. Huwag ka nang magtanong. Bago naman 'yan at size mo." Bakit nga ba siya nagdadala ng panty? Dahil iyon kay Gabbie, noong unang beses itong nagkaregla ay hindi nito alam na duguan na pala ang pantalon nitong puti at kung ma-stranded man sila sa unknown place ay atleast hindi sila mag-aamoy kipay.

Fifteen minutes bago natapos sa paglilinis si Chinny, okay na ito at hindi na mapanghi, in-spray-an rin niya ng Victoria's Secret Love Spell perfume ang babae. Inilabas niya ang make-up bag niya at tinanggal ang ruined make up nito gamit at make-up remover wipes. Dahil na rin siguro sa hiya ay hindi na nagreklamo si Chinny. Pagkatapos ng make-over niya rito ay lumabas na sila ng CR at umupo na sa pwesto nila, may raffle na nagaganap.

"Malas ako sa raffle," sambit niya kay Ma'am Kylie.

"Ako rin eh!" Tiningnan nilang pareho ang numbers nila na ibinigay noong pumasok sila sa entrance. At mukhang malas rin ang kanilang table dahil wala man lang nabunot sa kanila, doble malas dahil sa draw lots na sa pagpila sa buffer ay hindi rin sila nabunot sa first ten! Gutom na siya kaya pinapapak niya ang trail mix at garlic bread na naka-serve na sa lamesa.

Sa wakas ay lumapit na sa kanila ang isang waiter at sinabihan sila na maaari na silang pumila sa buffet. Hindi naghintay pa ng isang segundo si Sef, tumayo siya at hinila niya si Ma'am Kylie. Kumuha siya ng plate at sinimulang maglagay ng pagkain nang may sumagi sa likod niya kaya muntik na siyang masubsob sa bowl ng Ceasar salad.

Ready na siyang makipagbardagulan sa herodes na nagpainit lalo ng ulo niya, gutom na gutom pa naman ang tiyan niya! Marahas na nilingon ni Sef ang bida-bida sa likod."Hinay-hina—" tulad ng mga napapanood niya sa movie ay tila nag-slow motion ang buong paligid. Nawala sa buffet ang atensyon niya at nalipat sa lalaking berde ang balat at may ogre ears na kagaya niya. Hanggang balikat lang siya nito at hindi hadlang ang pagiging berde ng mukha sa kaguwapuhan. Ito ang ogre version na Shrek pero hindi ito mataba, siksik sa muscles at pasado bilang model ang kaguwapuhan. Ganito ba lahat ang empleyado sa LIH? Physical appearance rin ang labanan?

"I'm so sorry!" Ilang beses itong yumukod at muntik pang matapon ang pagkain sa plato nito.

"Hoy bakla, ang haba na ng pila! Move na!" Kung hindi pa siya tinapik sa balikat ni Ma'am Kylie ay hindi pa siya babalik sa katinuan. Nakangiting sumandok ng kung anu-anong pagkain si Sef, ang iba ay hindi niya kilala ang putahe. Hindi lang isa, kundi, dalawang plato ang dala niya pabalik sa lamesa. Wapakels siya sa mga mapanghusgang tingin ng mga nakakasalubong, ang iba naman ay nag-o-okay sign pa sa kanya. Tulad ng mga judgy sa mundo ay taas-kilay na tiningnan ni human version Princess Fiona ang inilapag niya sa lamesa. Napaismid naman siya sa pinggan nito na tanging salad lang ang laman. Kaya ka malnourished eh! Masaya siyang umupo ang nagsimula nang kumain.

Natapos na ang dinner at masasabi niyang busog na busog siya pero hindi pa tapos ang kainan, kumuha pa siya ng desserts sa confectionary buffet table. Dinala niya ang platito na puno ng matatamis na pastries and mini-cakes sa patio, may ilang mga tao roon. She chose the round table at the corner. Maliwanag ang patio at rinig pa rin ang musika mula sa loob. Everybody's having a great time. Busy siya sa pagnguya ng French Macarons nang may humila ng upuan sa harap niya at may umupo.

"Hindi ako interesado sa pag-i-invest." Bigla tuloy niyang naalala ang katulad na eksena noong una niyang nakilala ang scammer na si Hermes. Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ang loko. Sana panis lagi ang ulam nito araw-araw.

"I don't sell insurance." Baritonong pagtawa ng unwanted person. Itinulak nito sa harap niya ang isa pang platito na ang laman naman ay mixed fruits. She lifted up her gaze and she saw Shrek, ang green na Shrek! Mabilisang nilunok niya ang macarons at nginitian ito. "Sorry nga pala ulit kanina. I didn't mean to push you."

"O-okay lang." Kalma ka lang Sef!

"Peace offering." Itinuro nito ang mixed fruits. "Asher Fuente. I'm from Marketing department."

"Josefa Kabayan pero Sef na lang." Isinubo niya ang piraso ng chocolate mousse cake.

"Wala kang ka-date ngayong gabi?" He removed his ogre ears na nakadikit rin pala sa headband at ginulo ng kaunti ang buhok.

"Wala. Wala namang nagkaka-interes sa akin." Kahit na pabiro niyang sinabi ay nalungkot siya sa katotohanan.

"I'm interested in you." Walang paligoy-ligoy na sabi ni Asher. Kita sa ngiti nito na nagsasabi ito ng totoo.

"Weh? Ang mga lalaking kagaya mo na gwapo, maganda at sexy ang hanap!"

"I'm not one of those guys. You are beautiful at sexy ka sa paningin ko. I like my woman with curves." Kumuha ng strawberry si Asher at kinagatan iyon. Siya naman ay namimilipit na sa kilig! "Once you're done with your dessert, I would like to dance with you."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro