Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3

Hinawi ko ang kumot, tumayo sa pagkakahiga ko at dahan-dahang naglakad patungo sa veranda ng kwarto ko.

Madilim ang buong kwarto pero meron pa ring ilaw galing sa sinag ng buwan na lumulusot sa kurtina ng veranda. Nakita ko ang orasan sa gilid at napag-alamang hating-gabi na pala. Wala na rin akong marinig na ano mang tunog sa labas ng pintuan ng silid maliban nalang sa malakas na pitik ng isang orasan ata. Siguro tulog na rin si M.

Binuksan ko ang nakasaradong pintong gawa sa salamin at agad na nalanghap ang napakalamig na simoy ng hangin. Sumasayaw rin ang mga kurtina dahil mas lumalakas ang ihip nito. Hinawi ko na ito at lumabas nang tuluyan.

Muntik na akong hindi makapaniwala na nasa real world pa ako nang bumungad sa akin ang isang napakagandang hardin. It was magical. Yung tipong sa mga nobela at mga teleserye mo lang makikita. Maraming mga nagkikislapang bulaklak na parang kinokopya ang ilaw ng buwan. Merong malaking labirento at kitang-kita ko sa gitna nito ay may napakalaking fountain na may statwa ng isang babaeng nakabistida. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng statwa dahil napakalayo na nito sa kung saan ako nakatayo ngayon at nakatalikod pa ito.

Sumeryoso ang mukha ko at inobserbahan ang bawat sulok na makikita ko sa aking mga mata.

Sa tantya ko, nasa ikatlong palapag ang kwartong ito. At nasa far east side nitong napakalaking mansyon. Kulay kahel ang pintura at pinalilibutan ng mga naglalakihang puno. Ngunit bago iyon, napapalibutan din ito ng nagtataasang itim na bakod. Sa harap ko naman, ay ang labirentong sinakop ang lahat ng angulo ng malaking lupain na parang hindi pinalalagpas ang lahat ng sinumang gustong umiwas sa bukana ng maze at sa dulo ng maze ay isang napakalaking gate na sa tingin ko ay ang lagusan palabas ng malaking lupaing ito.

Walang nagbabantay dito. Ngunit napansin kong may dalawang rebulto na nakatayo sa magkabilang dulo. Ang isa ay isang napakalaking aso na sa tingin ko ay isang lobo. At ang isang rebulto naman ay isang imahe ng taong hindi ko makita ng mabuti ang mukha dahil napakalayo na nito sa paningin ko.

Dahan-dahan akong napaupo sa sahig tsaka napasandal na lamang sa railings. Napabuntung-hininga at napatingin sa gilid.

Plano kong tumakas at bumalik sa totoo kong bahay. Sa totoo kong buhay. Pero sa tingin ko, hindi maari. At hinding-hindi ako makakatakas. Wala akong pwedeng madaanan kundi ang maze mismo pero hindi ko naman din iyon magagawa. Mawawala lamang ako. Hindi ko nga rin alam kung saang lupalop ng bansa ang ganitong uri ng mansio, o kung nasa bansa pa ba ito. Napakakakaiba ng atmosphere. Napakabigat. Parang ibang mundo.

Napikit ko na lamang ang aking mga mata at muling binalikan ang kapirasong ala-alang aking huling naalala. Yung oras na dinakip kami ng mga armadong lalaki. Napatay ang driver namin. Oo, papunta nga pala sana kami ng Japan ni Kuya.

Pero bakit hindi ko na maalala ang kasunod? Wala akong maski isang maalala kung ano ang pinaggagagawa ko. Hindi ko na alam kung anong nangyari na sa amin.

Si kuya! nakalimutan kong itanong kay M kung asan siya. sana okay lang siya.

Sumakit na naman ang dibdib ko kaya napahawak ako dito. Alam ko ang nararamdaman ko ngunit hindi ko alam kung bakit. Bakit masakit sa loob? Pero ano namang masakit?

Pinilit kong alalahanin ngunit wala talaga. Parang isang kapirasong papel na sinulatan pero walang tinta.

Nababaliw na ata talaga ako.

Kanina lang, nagising akong mukhang tanga dahil sa bagong lugar na tila'y hinabi galing sa isang pantasya. Tapos may babaeng nagpakilalang maid ko daw. And then, Trancy raw ang apelyido ko. Tapos, dalawang taon raw akong tulog. Baliw ba sila? Timang lang? Hindi pwedeng mangyari iyon. Loka lang ang maniniwala. Tsk.

Pero ito talaga ang mga malalaking tanong na naglalaro sa isipan ko at nagbabadya nang sumabog.

Kung nakidnap kami ng mga armadong lalaki, bakit ako nandito at ala-prinsesa kung pagsilbihan? Asan si kuya? Baka naman ginu-good time niya lang ako at siya pala ang nag-utos dun sa mga armadong mga lalaki na kunyari kidnap daw. Tapos si manong driver acting lang with ketchup sapat na at sa maid na sampalin at sorpresahin ako. Baka nasa Japan na kami at ito ang surpresa niya sa akin. Baka naman paggising ko mamaya, si kuya pala ang magluluto ng pagkain namin. Tsaka ngingiti siya sa akin at babatiin ako ng matamis na Good Morning-

Hindi ko na napigilan at tumulo na naman ang luha ko. Ang hina ko. Ang hina hina ko. Alam kong hindi magbibiro sa akin si kuya ng ganitong masamang biro. Hindi ganun ang kuya ko. Naaalala ko pa ang takot na ekspresiyon niya noong malapit nang mabuksan ng mga lalaki ang pinto. Hindi ganun ang ekspresyon ng taong nagbibiro.

Bumuntung-hininga na naman ako at pinahid ang mga luha. Tumayo tsaka hinanda ko na ang sarili sa susunod kong gagawin.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at kinuha ang lahat-lahat na pwede kong gamitin kagaya ng kumot, bedsheet at iba pang malalaking damit o kurtina.

Siguro nga mahina ako, pero alam ko namang gamitin ang utak ko. Hindi ako naging isa sa mga top students ng klase just for nothing.

Pinagtagpi-tagpi, pinagpupunit, at itinali-tali ko ang mga nakuha kong gamit. Sinigurado kong mahusay at hindi madaling magiba ang gagawin kong lubid. Oo, bababa ako gamit ang lubid. Hindi ko na makakaya pang manatili sa bahay na ito. Nangungulila na ako sa pamilya ko. Namimiss ko na ang kuya ko.

Bumalik ako sa balkonahe ng kwarto dala-dala ang lubid na gawa sa kumot. itinali ko ito ng mahigpit sa poste malapit sa railings atsaka sinigurado munang walang tao o tagabantay sa baba bago ko ito inihulog. nakita ko namang sakto lamang ang taas nito at umabot ito sa pinakababa.

Pinunit ko ang hanggang paa kong damit para hanggang binti ko na lamang. Ito ay para hindi makasagabal sa pagbaba ko.

kinuha ko na ang lubid, umakyat sa railings ng balkonahe, at mabilis na pinabulusok pababa. Masakit man sa kamay at nilalamig man dahil sa hangin, wala na akong pakialam basta't makalayo lamang ako sa pamamahay na ito.

At wala akong makukuha kung wala akong gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro