September 8, 2003
Dear Diary,
Birthday ni Mama Mary ngayon kaya may activity ulit kami kaninang umaga. Doble ang pagdarasal namin kanina. Tapos, nang hapon, pinayagan kaming mag-practice para sa Intrams.
Bigayan din pala ng card. Mabuti na lang at matataas ang grades ko.
Nga pala, ginawa kaming taga-cheer din. 'Yong mga hindi kasama sa cheering squad, required na pumwesto sa harap ng stage. Kami raw 'yong tagasigaw (para malakas 'yong cheer) at taga-abot ng props sa mga magsasayaw.
Hindi ba pwedeng watergirl na lang ako?
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro