September 5, 2006
Dear Diary,
Ang hirap talaga kapag 4th year na. Hindi ko na alam kung paano ima-manage ang oras ko. Madalas akong lutang sa umaga dahil sa puyat. Biruin mo ba naman, halos alas syete na nang gabi kami umuuwi dahil may band practice at simba pa sa hapon. Kakain lang kami tapos magpa-practice naman para sa cheerdance. Alas dyes o alas onse pa kami makakauwi. Malas kapag may project o assignments. Mga ala una na siguro ako nakakatulog. Tapos alas kwatro o alas singko, dapat gising na.
Kanina, sa kamamadali ko dahil tinanghali akong gumising, nakalimutan kong magsuklay. Pumasok ako sa school nang hindi nagsusuklay, diary. Kaya pala wirdong makatingin ang mga kaklase ko. Tapos pinagtawanan nya ako. Mukha raw akong dumagat, 'yong tawag sa mga tao sa amin na hindi naliligo o nag-aayos.
Dali-dali kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko kasi naiwanan ko sa bahay 'yong suklay ko. May buo-buo rin palang polbo sa gilid ng mukha ko. Nakakahiya :(
Ang haba na pala ng buhok ko. Magha-hanggang bewang na. Magpagupit kaya ako?
Wala sa hulog,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro