Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

September 23, 2003

Dear Diary,

Maling-maling-mali talaga ang ginawa ko kanina. May quiz kami sa A.P. Buti hindi ko nakalimutan 'yong 1/4 na papel. Kalahating pad din 'yon.

Pero maling-mali, diary.

Halos buong klase, walang 1/4. Nakakakonsensya naman kung hindi ko sila bibigyan kaya namigay ako ng papel. 

Si Robbie 'yong pinakanghuling humingi. Pagkabigay ko sa kanya, saka ko na-realize na naubusan na pala ako ng papel. Wala akong choice, diary. Hiningi ko pabalik 'yong papel ko. 

Hindi nya ibinigay. :( Ang ending, naghati na lang ako ng 1 whole sheet of paper. Hindi ko tuloy nasagutan 'yong number 1 and 2. Dictation pa naman 'yong quiz. :(


Naubusan ng papel,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro