September 2, 2010
Hi Diary,
Recently ko lang na-realize na sobrang dense ko pala noong high school. Nag-post si Robbie ng video nya na kumakanta ng Crazy For You ng Spongecola sa Facebook tapos naka-tag ako. Tapos, 'yong mga ka-batch namin, at kahit 'yong ibang year levels na kasabayan namin sa high school, ay nag-comment.
Comments nila puro:
-ayiiieee
-finally!
-kayo na?
-OMG nanligaw ka rin!
-sabi na ikaw 'yon e!
Nag-comment pa si Ivan ng, "Kaya pala parang may sama ng loob ka sa 'kin dati. Hahaha."
Tapos kahit 'yong teachers namin dati, may alam din. Hala. Napag-iwanan talaga ako.
Sabog ang notifications,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro