September 18, 2004
Dear Diary,
Pasensya na kung hindi ako gaanong nakakapagsulat. Bukod kasi sa exams, nagpa-practice din kami para sa Intrams. Kasali ako sa cheering, diary! Halimaw 'yong adviser namin. Required lahat ng second year na sumali. Dadalawang section lang kasi kami.
Nga pala, tumigil na sa pangungulit si Ivan. Sinabi na yata ni Robbie na ayaw ko tapos hindi pwede. Pero awkward pa rin tuwing magkikita kami sa school, lalo na't parehas kaming scholar tapos parehas kaming kasali sa cheering.
Kanina nga, pagkatapos naming maglinis sa school, dumiretso na kami ng practice. Bukas daw, pagkatapos ng simba, magpa-practice uli kami. Dahil open naman ang elementary school namin kahit weekends, doon kami nagpa-practice. 'Yon kasing nag-iisang elementary school sa bayad, sobrang lawak ng school grounds. May pa-oval na malaking-malaking-malaking damuhan. Hindi lang kami ang gumagamit noon tuwing Sabado at Linggo. Pati ibang year din.
Nga pala, noong nag-practical exam kami sa MAPEH (kasi tinamad magturo nang ilang linggo si Miss kaya pinagsayaw na lang kami), dahil kulang kami ng isang tao, naisipan ni Miss na kumuha ng isang estudyante sa kabilang section para i-partner sa nag-iisang walang ka-partner sa section namin... ako 'yon. Malas ko 'no?
Pare-parehas lang naman ng steps kasi tinuruan kami ni Miss ng traditional dance ng ibang bansa na maraming-maraming curtsy at bow. Kada step yata namin, nagku-curtsy kami. Tapos, layered ang suot namin kaya mamatay-matay na kami sa init.
Tatlong skirts ang suot ko, magkakaiba ng haba. Tapos, long-sleeved blouse na papatungan ng neck scarf. Tapos naka-sombrero pa kami.
Kaming dalawang section, nasa basketball court. Unang sumayaw 'yong section namin. Ka-partner ko pala si Robbie, diary, kaya natukso na naman ako. :(
Kasalanan ko bang sya ang ipinartner ni Miss sa 'kin? Absent kasi ako no'ng pinag-partner partner. Akala ni Miss, sakto lang ang section namin kagaya noong sa kabila tapos naalala nya ako. Wala raw akong partner.
Nakakahiya pa, diary, kasi noong araw ng unang practice namin, saktong natapunan ng mantika 'yong kamay ko kaya buong practice kami ni Robbie na nakataas lang ang kamay sa ere pero hindi naglalapat. Hindi nga ako nakapagsulat nang ilang araw, e. Mabuti na lang at mabait si Lotlot. Pinahiram ako ng notebooks nya. Kaso kulang-kulang din ang sulat. Hay.
Hindi ko alam kung may nakalimutan akong ikwento, pero 'yon na lang muna. Baka hindi ako madalas makasulat. Hindi ko kayang idetalye 'yong araw-araw na nangyayari sa buhay ko kasi madalas namang pare-pareho lang ang nangyayari.
Balitaan na lang kita kapag may kakaibang ganap.
Required sumayaw ng "Chocolatte",
Ylona
--
Para sa mga hindi nakakaalam, ito po 'yong isa sa mga kantang gagamitin sa cheerdance nina Ylona. Ang Chocolatte hahahaha
https://youtu.be/rWy1w7WXeq0
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro