October 22, 2003
Dear Diary,
Intrams na!!!
Syempre, sinimulan namin ang festivities sa pagdarasal. Nagsimba muna kami, tapos saka kami pumunta sa basketball court (na semento lang talaga na rectangle na ginuhitan ng pinturang puti). Nasa tapat 'yon ng stage sa gitna ng school. Naglitaniya muna si Sister Norma, na sinundan ng mga paalala ni Sister Macrina, at pangatlo, 'yong criteria for judging at scoring.
Sunod, cheerdance competition na. Grabe, diary, napaos ako! Sobrang sakit ng lalamunan ko pagkatapos. Pero alam ko namang walang-wala 'yon sa mga ipinagbalibagan kong mga ka-batch at do'n sa mga tinapakan ang balikat.
Lahat ng lalaki (at kaming hindi kasali), naka-PE uniform. Ang P.E. uniform namin ay dark green na jogging pants at puting t-shirt na may lining na green sa manggas at leeg. Tapos, may logo lang ng school sa kaliwang dibdib.
Kami ang una dahil first year daw kami, pero tingin ko dahil lang talaga 'yon sa kami ang pinakang-kulelat. Pagaling nang pagaling 'yong mga sumunod sa amin, at syempre, fourth year ang pinakamagaling.
Ang lagkit ng face paint, diary. Sabi ni Robbie, hindi raw nya makita 'yong pintura sa mukha ko kasi dark green, e maitim daw ako. Ang sama nya! :(
Namamalat at lalong umitim,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro