Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

October 21, 2006

Dear Diary,

Hindi ba sya nagsasawa sa katutukso ng mga kaklase namin? Kanina, plano ko talagang umiwas sa tubig. Nakasilong pa nga ako sa kubo kasama ni Misis. Sabi ko babantayan ko na lang 'yong mga gamit at pagkain.

Sukat ba namang hilahin ako ni Robbie at itubog sa tubig? Syempre dahil dalawang beses kaming "ikinasal", natural na hindi na naman magkandamayaw sa panunukso ang mga kaklase ko, lalo na si Lotlot.

Tapos mas lalong lumakas ang tuksuhan nang sabihin ni Lotlot na, "Siguro ikaw 'yong nag-dedicate ng kanta kay Ylona, ano! Ayiiiieee!"

Diary, buti na lang hindi umamin si Robbie.

"Nagti-thank you lang pero Crazy For You ang kantang dinedicate? Iba din!" panggagatong ni Derrick.

Ayaw ko namang bigyan ng malisya ang ginagawa ng kahit sino kasi mamaya, assume ako nang assume tapos wala naman pala. Pero bakit nga kaya 'yon 'yong dinedicate nya? Wala ba syang naisip na ibang kanta?

Uso rin naman 'yong 'Thank You' kahit medyo universal ang dating. 'Yong may lyrics na "There's no mountain, no valley, no time, no space. No heartache. No heartbreak. No fall from grace." Pwede rin 'yong Friend of Mine.

Ay... hindi pala. Iba pala ang meaning no'n.

Bakit ba kasi sinabi pa ni Derrick. Iniisip ko tuloy kung bakit 'yon 'yong kanta. :(


Nag-iisip kung itatanong pa ba o hahayaan na lang,

Ylona



*********

Cast: 

Lottie Santo Domingo a.k.a. Lotlot

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro