Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 25, 2003

Dear Diary,

Na-miss kita!!

Sorry huhuhu. Nag-impis kasi si Nanay tapos bumagyo pa nang ilang beses. Akala ko tuluyan ka nang nawala o nabasa. 

Akalain mong patapos na ang November! Maraming nangyari pero nakalimutan ko na halos lahat. Basta ang pinakang-naalala ko, nag-iyakan kami dahil 'yong English teacher namin, na paborito naming lahat, mag-aasawa na.

Umiyak ako, diary, for real! Mami-miss ko si Miss! :(

Nga pala, simula na ng Kris Kringle sa isang linggo. Hindi ako excited. Mababawasan ang baon ko. Haha. Pero okay lang naman dahil may matatanggap din naman ako.

Good night, diary.

Sa susunod, hindi na kita iiwang nakakalat kung saan. Baka maitapon ka ni nanay sa susunod. 


Ylona



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro