Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 19, 2004

Dear Diary,

P.E. namin kanina. Baseball. Kasabay namin 'yong isang section. Badminton naman sila saka volleyball. Next week pa kasi sila lalaro dahil kailangang magpa-participate ang mga estudyante. Di namin kayang lumaro lahat sa isang oras lang. Kapos kasi 'yong sked ni Miss sa MAPEH kaya kaming dalawang section ng second year, madalas magkasabay sa activities. 

Sa third base ako nakatayo. Mabuhangin 'yong court kapag mainit. Kaya hindi man madulas dahil sa tubig, madulas naman dahil sa buhangin.

'Yong kaklase kong medyo malaki 'yong tumira ng bola. Tapos natamaan nya. E di tumakbo sya paikot. Nang papunta na sya sa 'kin, nadulas sya. Nag-slow mo kanina, diary. Napapikit na lang ako nang mapansin kong tatama sya sa 'kin. Sa laki nya, sigurado akong mapipisot ako.

Kaso... ang sunod kong naramdaman, may tumulak sa 'kin papunta sa gilid ko. Gumasgas 'yong kanang braso ko sa court kaya dumugo, pero ayos naman ako. Walang bali.

Kaso, pagtingin ko... nakadagan na 'yong kaklase ko sa isa pang taong naka-P.E. uniform. Akala ko talaga namatay na 'yong nadaganan kaya ummiyak ako. Tapos bigla silang bumangong dalawa. Masakit daw ang likod ni Robbie pero ayos lang daw naman sya. 

Ipina-check up pa rin sya ni Miss tapos ipinagamot na rin ako sa clinic. Sorry nang sorry 'yong kaklase ko kahit wala naman syang kasalanan. Aksidente naman 'yong nangyari. Kasalanan ng mga buhangin sa covered court.

Pero sobrang nakakatakot pala 'yong gano'n, diary. Tapos... ang sakit ng braso ko.

Napagalitan ako ni nanay pag-uwi ko. Bakit daw kasi sa semento ako bumagsak. Kasalanan ko pa pala :(


Napaiyak uli nang lagyan ni nanay ng agua oxinada ang sugat,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro