Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

November 17, 2004

Dear Diary,

Novena kanina. Diretso kami sa simbahan matapos ang flag ceremony. Isa ako sa mga nag-alay ng bulaklak. Kapag opening song kasi, may parada ng mga alay na bulaklak papunta sa altar. Second year ang in charge kaya ako kasali. Muntik na akong madapa. Hindi talaga ako dapat pinaglalakad sa gitna ng altar, diary. Nakakahiya.

Nang pabalik na kami ng classrooms, biglang umakbay si Robbie tapos 'yong bigat nya, ipinasa sa 'kin. Muntik na 'kong matumba, diary. Buti na lang nahila ako ni Lotlot.

Pero bakit gano'n? Pakiramdam ko napaso 'yong leeg ko. 


Nawiwirduhan,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro