March 7, 2005
Dear Diary,
Nagkasakit si Lotlot kahapon kaya absent sya ngayon. Akala ko hindi na ako ililibre ni Robbie kasi wala si Lotlot. Pero inaya nya akong mag-pizza. PIZZA, DIARY! Kahit parang matigas na tinapay na nilagyan ng toppings at iniinit sa microwave ang mga pizza dito sa amin, pizza pa rin 'yon!
150 ang isang buo. 'Yong maliit lang. Nahihiya nga akong kumain kasi wala akong ambag. Kaso wala talaga akong maiaambag, diary, e. Mas nakakahiya siguro kung ibinigay ko 'yong limampiso kong tira sa baon kanina.
Ayun. Hindi ko alam kung bakit medyo nakakailang na kami lang ang magkasamang kumain kanina. Nakakausap ko naman sya sa school. Nakakabiruan ko naman. Binibigyan pa ako ng chocolates. Kasabay namin sya ni Lotlot mag-merienda sa hapon.
Nasasapak ko pa nga.
Pero weird kanina. Ayaw ko nang umulit, diary. Di ako makakain nang maayos. Dalawang slice lang ng pizza ang nakain ko kanina kahit tig-apat dapat kami. Ipinabalot na lang nya 'yong natira saka ipinauwi sa 'kin.
Hindi ko masagot si nanay kung saan galing 'yong pizza kasi alam nyang may sakit si Lotlot. Kahapon kasi, nang umuwi kami, nabanggit ni Lotlot kay nanay. Pinagpayong pa nga si Lotlot dahil masisirinuhan daw.
Sinabi ko na lang na nag-birthday 'yong isa kong kaklase. Sana hindi itanong ni nanay kung totoo 'yon.
Hinapunan 'yong natirang pizza,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro