Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

March 28, 2007 9:49AM

Dear Diary,

Last day na naming kahapon. Graduate na kami. Umiyak ako habang nag-speech 'yong valedictorian namin. Kasi umiyak din sya. Umiyak sila. Naiyak tuloy ako. :(

Karamihan sa mga ka-batch ko, mga kaklase ko na simula elementary. Sobrang solid ng bonding namin. Kilala namin ang pamilya ng bawat isa. Itinuturing kaming extended family ng bawat pamilya. 'Yong mga naging teachers at advisers namin, itinuring na naming mga pangalawang magulang.

Sina Sister, parang mga tiyahin na namin.

Nakakalungkot lang na maghihiwa-hiwalay na kami. Siguro marami sa kanila ang hindi ko na makikita o matatagalan bago ko makita uli. Sana... sana kahit magkalayo-layo kami nina Lotlot, hindi mabago 'yong pagkakaibigan namin. Hindi ko maimagine na isang araw, hindi na kami magkakausap ni Lotlot. Parang ang hirap.

Alam kong marami kaming makikilalang ibang tao, pero sana, sa alumni, kapag nagkita-kita kami, kagaya pa rin ng dati 'yong samahan namin.

Ang dami pa naming pangarap para sa school at sa simbahan. Nagtoka-toka na kami kung sinu-sino ang magdu-donate. Ang iba sa amin, hindi na magtutuloy ng kolehiyo. Tutulong na lang sa pagsasaka. Ang iba naman, planado na ang buhay simula college hanggang sa pagtatrabaho.

Sina Lotlot at Derrick, patutunayan daw na may forever. Pero magpapayaman muna sila pareho. Ang kundisyon kasi sa kanila ng mama ni Lotlot, hindi bababa ang grades. Once a week lang magdi-date, kapag walang exams o extra-curricular activities. Kapag bumaba ang grades nila pareho, mas dadalang ang pagkikita nila. Kapag may bumagsak na kahit isang subject, break muna. Huwag din daw magbibisyo o babarkada. Bawal sumali sa frat o sorority. Saka dapat daw matino silang dalawa hanggang pag-graduate at dapat may maayos na trabaho muna pareho, makaipon para makapagpabahay, at may blessing ng parehong pamilya bago sila ikasal.

Sinabi 'yon ni Tita sa harap ng iba naming kaklase. Na-pressure yata 'yong dalawa. Nahuli ko kahapon na nag-uusap. Bawiin na lang daw kaya ni Lotlot 'yong oo nya. Pero syempre joke lang 'yon. 

Gusto kong lumapit kay Robbie kaso nahihiya ako. Buti na lang, 'yong dalawa naming kaibigan, makakapal ang mukha. Hinila ni Derrick si Robbie palapit sa 'kin tapos si Lotlot naman, kinuhanan kami ng picture.

Inakbayan nya ako, diary. Nagulat ako.

Sabi ni Lotlot, bibigyan daw nila kami ng tig-isang kopya ng picture kapag na-develop na. Remembrance daw.

Kagabi, dumiretso kami sa 4th floor ng nag-iisa naming hotel sa isla. Open area 'yon kaya sobrang lamig sa gabi, kahit ngayong March.

Napagdesisyunan namin na dahil hindi lahat ng graduate, makakapaghanda, nag-ambag-ambag na lang ang parents namin tapos hinayaan kaming mag-celebrate as isang buong batch, for the last time.

Mga naka-dress kami. Sinurpresa ako ni nanay. May binili syang dress na kulay black. Ang ganda nga, diary, e. Huwag ko naman daw panghinayangan ang perang ipinambili ni nanay kasi nasa 500 lang daw 'yon saka pinag-ambaganan nila nina kuya.

May maiksing program kami bago 'yong kainan tapos syempre, sayawan. Isinayaw ako ni Robbie. Crazy For You 'yong tugtog kaya natudyo na naman kami... for the last time. :(

Nag-sorry sya. Nag-sorry din ako. Tapos ayun... bati na kami.


Deportment awardee, art awardee, catechist, loyalty awardee, 1st honorable mention,

Ylona Maria Ibarra



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro