March 24, 2005
Dear Diary,
Nanalo nga si Robbie. Landslide ang boto, e. Lahat ng year, sya ang panalo. May dalawang klase lang yata ang mas mataas ang boto doon sa isa, pero hindi nagkakalayo ang mga boto sa kanila.
Pero hindi raw muna sya manlilibre. Kaya nag-ice cream sa tinapay na lang kami ni Lotlot. Ang init kasi. Sa swimming na lang daw namin sa Sabado 'yong libre. 'Yong batch namin ang may swimming. Manlilibre raw si Robbie ng pancit.
Kaso, diary, swimming na naman? Mangingitim na naman ako. :(
Medyo hindi excited,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro