June 5, 2006
Dear Diary,
Akala ko, dahil nagbakasyon, makakalimutan na ni Lotlot 'yong nabasa nya last school year. Maling-mali pala ako. Kanina, pagkatapos ng walang kamatayang class introduction, pinatayo kami sa gilid ng classroom at isa-isang tinawag para sa seating arrangement.
Diary, kailan pa naging kasunod ng Ibarra ang Quijada?
Pero ano namang magagawa ko kung may mga mas maliliit sa 'kin na dapat ilagay sa unahan o 'yong malalabo ang mata. May maiingay pang magkakatabi dati na kailangang paghiwa-hiwalayiin para tumino.
Nakakaloko 'yong tingin ni Lotlot kanina, diary. Ayaw akong lubayan. Naiilang tuloy ako. Lalo na't magkatabi na kami't lahat ni Robbie, 'di pa rin kami nagpapansinan.
Mas lumakas pa ang loob ni Lotlot ngayong wala na 'yong girlfriend ni Robbie. Nag-break sila bago magbakasyon kasi magpu-focus daw muna sa pag-aaral 'yong babae.
Kanina, binulungan ako ni Lotlot ng, "Chance mo na."
Diary, anong gagawin ko sa kaibigan ko?
Masasakal na si Lotlot,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro