Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 30, 2003

Dear Diary,

Tinuturuan nga pala kami ng mga fourth year para sa performance namin sa darating na acquaintance. Kagrupo ko sina Robbie at Lotlot. Halos himatayin si Lotlot sa tuwa.

Dahil abala rin ang mga fourth year dahil graduating na sila, kakanta na lang daw kami para madaling mag-practice. Maganda naman ang boses ko diary, huwag ko lang ilalakas kasi nababasag. Dapat mahinang-mahina lang.

True colors ang kakantahin namin.

Si Robbie 'yong naggitara kasi marunong sya. Pero ang kundisyon nya, hindi sya kakanta. Siguro maganda rin ang boses nya, diary, pero hindi rin dapat ilakas.

Sabi ni Lotlot, ini-imagine daw nyang hinaharana sya ni Robbie.

Hirap akong sumabay sa sway. Wala sa ritmo ang katawan ko. Sabi ni Ate Novie, ilakas ko raw ang boses ko. Nang subukan kong ilakas, nasira 'yong maganda kong boses. :( Pinagtawanan ako ni Lotlot. Ang swerte ko talaga sa kaibigan.


Napahiya nang konti,

Ylona


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro