June 23, 2005
Dear Diary,
Okay naman ang demo namin noong Tuesday. Maayos magturo 'yong dalawa. Tuwang-tuwa si Sister. Muntik na akong maitsapwera kahit ako naman ang gumawa ng lahat.
Akala ko ganoon pa rin sila kanina nang magpunta kami sa elementary school. Grade 2, section 6 ang tinuruan namin. Aba, ang nangyari, ako ang nagturo tapos 'yong dalawa, sa ice breaker lang napakinabangan. Sobrang ingay pa namin kasi mas isip-bata pa 'yong dalawa sa mga bata sa classroom.
Tapos kaninang uwian, nang pabalik na kami sa school namin, umiba ng daan 'yong dalawa. Bibili raw ng chocolate crinkles. Gusto pa ngang maglugaw. Buti napigilan ko! Hahanapin kami ni Sister panigurado! Isusumbong ko pa nga dapat sila kaso nadaan na naman ako sa libre.
Bakit ba ang hina-hina ko pagdating sa libre?! :(
Nagpatukso sa chocolate crinkles,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro