Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 20, 2003

Dear Diary,

Pinaggawa kaming lahat ng letter of apology. Isang letter bawat klase. Ako ang punong tagaisip at tagasulat dahil sekretarya ako. 

Kahapon sa amin sinabi. Ilan sa mga kaklase ko ang tumulong. Binigyan ako ng sampung piso ng treasurer namin para bumili ng mabango at magandang parchment paper. Na-pressure ako, diary. Wala rin kasing guhit 'yong parchment paper. Nakailang bago ako bago ko napantay-pantay ang sulat ko.

Kaninang umaga, ibinigay ko sa adviser namin 'yong sulat. Ibinigay nilang lahat kay Sister ang mga sulat bago mag-uwian ng tanghali.

Tapos, kaninang hapon, may assembly uli sa social hall. Pinangaralan kami ni Sister nang mga tatlumpong minuto siguro. Tapos sabi nya, tuloy na raw ulit ang acquaintance party.

Suspended na nga pala 'yong higher year na sumipa sa buhangin. Tapos pinagbayad ng 100 para sa mga nasirang spaghetti.

Hanggang alas dyes lang nga pala 'yong party. Dapat daw naka-complete uniform. Sabi ni nanay, 'yong suot ko na lang daw ng araw na 'yon ang isuot ko sa party.


Paniguradong amoy-daing sa acquaintance,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro