June 2, 2003 7:02PM
Dear Diary,
Kanina, nagpakilala kaming lahat sa klase. Bale, walo ang subjects namin sa maghapon kaya walong beses kaming nagpakilala. Dapat wala na ang hiya ko sa pangatlong beses pa lang, di ba? Pero hindi. Nakakahiyang tumayo sa unahan tapos lahat sila nakatingin sa 'yo.
One-fourth ng klase namin ang hindi ko kilala, diary. :( 'Yong iba kasi, galing pa sa iba't ibang barangay. Star section kami kaya naipon sa amin ang mga valedictorian at salutatorian noong elementary.
Mas nakakahiya pa kanina kasi muntik na akong mapa-plakda. Pagbaba ko kasi ng platform, sumabit 'yong kanan kong paa sa kaliwa ko, sa sobrang kaba. Mabuti na lang at nasalo ako noong sunod na magpapakilala.
Hindi ko rin sya kilala, diary :(
Sobrang mahiyain ako. Ayaw na ayaw kong pinagtitinginan. Pero dahil gwapo 'yong nakasalo sa 'kin kanina, niloko-loko kami ng classmates namin. Mukhang nairita sya. Gwapo kasi sya, kaso ako hindi maganda. Dugyot pa nga raw ako kasi babad ako lagi sa araw.
Ayon. Nang makarating ako sa upuan ko, sumubsob ako agad. Pero hindi naman nagtagal 'yong tuksuhan kasi nakatutok na sila do'n sa lalaki. Transferee sya, diary. Galing Maynila.
Robbie daw ang pangalan nya. Tita nya 'yong nag-iisang doktora sa buong bayan namin.
"Crush ko na sya!" sabi ng isa kong kaklase.
"Ako rin!" sabi ng isa pa.
Halos pito yata ang narinigan ko nyan, diary. Tapos nang mag-uwian, si Robbie din ang pinag-uusapan nila. Kahit si Lotlot, kilig na kilig.
Dismayado ako, diary. Kasi hindi ako nakagawa ng Friendster. Wala raw internet sa computer room. :(
Gusto nang magka-Friendster,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro