Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 2, 2003 6:33AM

Dear Diary,

Excited akong pumasok ngayon. First day of school. First day of high school. Kahit na mga notebook lang ang bago kong gamit, masaya ako kasi may bago ako. Anim na taon ding puro recycled notebooks, libro, at uniforms ang tiniis ko. Pero dahil naging scholar ako at nagka-chance na makapag-aral sa semi-private high school, walang choice si nanay kundi ibili ako ng bagong uniporme.

'Yon nga lang, babawian daw ako ni nanay sa baon. :(

Wala rin pala akong payong kaya dapat palagi kong kasabay si Lotlot pagpasok at pag-uwi. Dala kasi nina Ate Ysa at tatay ang mga payong. 'Yon namang nakuha naming mahabang payong na libre nung pasko galing sa tindahan ng Senio, naiwan ni Kuya Yong kung saan. Haysss.

Alam mo kung ano ang masaya sa araw na 'to? Kalahati sa section namin noong grade 6 ang sa public mag-aaral, pero karamihan sa mga kaibigan ko, sa semi-private high school ng Monte Carmelo mag-aaral. Excited na akong makita sila ulit. Karamihan kasi sa kanila, sa Maynila nagbakasyon, e. Ako, dito lang sa probinsya. Hindi pa nga ako nakakapag-Friendster. Sabi nila masaya daw yun. 

Pero may computer subject naman kami kaya sana, makapag-online din ako.

'Yon lang muna diary. Kailangan ko nang pumasok. 

Bye!


**Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro