Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

June 15, 2004

Dear Diary,

Noong isang linggo, nagbotohan na kami para sa class officers at may kanya-kanya na rin kaming clubs. Sa English club ako sumali kasi gusto kong magsulat. Pinaggawa kami ng tula tapos 'yong best daw, ilalagay sa bulletin board.

Kanina, habang nakatingin kami sa bulletin board ng English club sa hallway, naramdaman kong may humila nang bahagya sa buhok ko.

Paglingon ko, nakita ko 'yong likod ni Robbie, kasama 'yong iba nyang kaklase. Ano na naman kaya ang trip nya, diary? Noong isang linggo pa kasi sya nanghihila ng buhok.

Nga pala, kasama 'yong tula ko sa naka-display sa bulletin board. Sabi ni Lotlot, wala naman daw emosyon 'yong gawa ko. Maganda lang basahin. Ang sama nya. :(


Nagtataka,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro