July 6, 2006
Dear Diary,
Dapat kapag hindi namamansin, hindi na talaga namamansin. Hindi 'yong kukuhitin ka kapag hindi alam ang sagot sa number 5, 7, at 10 sa quiz. Hindi 'yong tatapikin 'yong desk mo kapag hindi alam ang sagot sa recitation. Hindi 'yong matutulog sa klase tapos tanong nang tanong pagkatapos.
Bihira na rin pala kaming kumain sa hapon nina Lotlot. Catechists ulit kasi kaming tatlo nina Derrick tapos nasa banda pa kami ni Lotlot. Majorette na pala ako, diary. Kasalanan ni Lotlot. Si Lotlot na yata ang nagpapatakbo ng buhay ko. -___-
Nga pala, naging tradisyon na yata 'yong panliligaw ng mga third year sa fourth year students. May nanliligaw sa mga kaklase ko. Kilig na kilig naman sila. E, bragging rights 'yon ng juniors kapag napasagot sila. Haynako.
Para lang magka-boyfriend, papatulan na lang kahit sino. Hindi na lang magsipag-aral.
Hindi bitter,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro