July 3, 2003
Dear Diary,
Kanina, nag-practice kami ulit ng ipi-perform namin sa acquaintance. Ilang araw na lang, acquaintance party na. Pero bago 'yon, may feast of OLMC pa, so naghahanda rin para do'n 'yong higher years. Idagdag pa na first monthly test din namin 'yong week na 'yon.
Sabi nina Ate Novie, mag-review daw muna kami tapos magpa-practice na lang ulit kapag mismong week na.
Kanina, pagkatapos ng klase, naiwan kami ng ilan kong mga kagrupo sa classroom para maglinis. Cleaners kami. 'Yong iba, sa area na namin tumuloy. Tuwing umaga at hapon kasi, naglilinis kami ng area. Araw-araw 'yon. Semi-private kami pero walang janitor. Hindi kasi uso dito sa isla.
'Yong pinaka-malaki naming elementary school ang may janitor, pero naglilinis pa rin ang mga estudyante. Naaalala ko dati, paborito kong araw ang Huwebes kasi IKAP. Halos half-day kaming naggagamas at naglilinis ng school grounds. Tapos, naka-civilian pa kami kaya pwedeng naka-t-shirt at jumper.
Hati ang cleaners araw-araw. Mayroong mga sa area naglilinis, may mga naiiwan naman sa classroom. Isa ako sa mga naiwan sa classroom dahil pinag-lettering pa ako ni Misis sa chalkboard na nasa likuran ng classroom namin.
Dahil hindi pa ako tapos mag-lettering pero tapos nang maglinis ang iba kong kaklase, iniwanan na nila ako. Babalikan na lang daw nila ako kapag tinatawag na kami nina Ate Novie.
Pasensya na diary kung sobrang haba na ng kwento ko pero wala pa sa climax. Sabi nila masyado raw kalat-kalat 'yong mga iniisip ko. Kaya nga habang binabasa ko 'yong lumang mga sulat ko, parang patalon-talon ako sa iba't ibang topics.
Pero ayon nga, habang nagli-lettering ako, may pumasok sa classroom. Si Robbie. Dala-dala 'yong gitara nya. Nagkatinginan kami saglit, tapos dahil hindi niya ako binati, hindi ko rin sya binati. Itinuloy ko lang 'yong ginagawa ko. Napatingin na lang ulit ako sa kanya nang isinara nya 'yong dalawang pintuan.
"Bakit mo isinara?" tanong ko.
Pero hindi nya ako pinansin, diary. Mahina yata 'yong boses ko. Kaya hinayaan ko na lang sya.
Narinig ko 'yong langitngit ng upuan. Tapos maya-maya, tinugtog nya 'yong gitara.
Tapos... bigla syang kumanta.
Na-amaze bigla,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro