January 5, 2016 (April 23, 2010)
April 23, 2010
Dear Diary,
Nagbakasyon uli si Robbie dito. And this time, hindi ko na sya naiwasan. Kasi nandito rin si Derrick at itong si Lotlot, gustong-gustong makasama si Derrick kasi bakasyon naman daw. E, ang kaso, palaging magkasama sina Derrick at Robbie dahil nga nag-break 'yong magjowa.
Pumunta kami kahapon sa beach na thirty minutes away. Sa bahay ng kaklase namin kami nakitulog. Walo lang naman kami. Nang gumabi, nag-inuman. Tagakain ako ng pulutan. Tumagay din naman ako para hindi sayang ang ambag, pero more on pagkain ang nilantakan ko.
Tapos, nang maubos ang laman ng bote, naglaro kami ng spin the bottle. Truth or dare. Syempre kinabahan ako kasi nandun sya. Pero wala akong magagawa kasi weird naman kung hindi ako sasali. Ano naman ang idadahilan ko?
So, ayun nga. Naglaro kami. Nang mapatapat sa 'kin 'yong bote at si Lotlot ang magtatanong, naging triple ang kaba ko.
Lotlot: "Truth or dare?"
Dahil naisip kong mas maganda ang dare kasi for sure puro kalokohan lang ang ipagagawa sa 'kin, dare ang pinili ko.
Lotlot: "Ituro mo 'yong pinakang crush mo dati, no'ng high school."
ALAM MO BANG PINAWIS NANG SOBRA ANG KAMAY KO KAHIT ANG LAMIG-LAMIG NG HANGIN?
Tinuro ko si Derrick... kasi hindi naman sinabi sa dare na totoo dapat ang sagot. Kung truth sana ang pinili ko, hindi ako magsisinungaling.
Pero syempre, wala namang naniwala sa 'kin. Pero kahit nagreklamo sila sa sagot ko, wala akong pake.
Ako 'yong nagpaikot ng bote. Tumapat sa kanya.
Me: "Truth or dare?"
Pinili nya ay truth.
Bubuka pa lang ang bibig ko para magtanong, sumingit na si Lotlot.
"Crush mo ba si Ylona no'ng high school?"
Naihampas ko kay Lotlot 'yong pinakamalapit na bagay na nahagip ng kamay ko... which is 'yong bukas chitchiria na nakalagay sa lamesa. Sumabog 'yong laman kung saan-saan.
Tapos natahimik kami nang sumagot si Robbie.
"Oo."
Nagtakip na lang ako ng mukha, diary, kasi hindi pwedeng magtago, pero halos hindi ko na marinig 'yong ingay sa paligid ko kasi sobrang lakas ng kaba ko.
Tapos, ang traydor kong kaibigan, sabi ba naman, "Talaga? Crush ka rin kaya nya dati! Sayang hindi mo niligawan!"
At ang isa ko pang traydor na kaibigan, may revelation. Sabi ni Derrick, "Nagparamdam 'yan dati. Kaso hindi naramdaman." Sabay tawa.
"Dapat kasi dinidiretso. Hindi puro pasakalye!" –Lotlot
"Bawal pa kasi." –Derrick. "Saka akala nya dati, may crush sa 'kin si Ylona kasi nakita nya sa notebook na hiniram nya 'yong FLAMES ng pangalan namin ni Ylona."
Hala. May gano'n palang nangyari.
"Gawa ko 'yon!" –Lotlot. "Tinesting ko lang naman kung compatible kayo."
Tapos biglang nag-shift sa dalawa 'yong usapan. Medyo nakahinga ako nang maluwag kaya nag-alis na ako ng takip sa mukha. Kaso nasamid ako nang makita kong nakatingin si Robbie.
Tapos parang nahiya rin sya kaya bigla nyang kinuha 'yong tagayan at ininom 'yong tagay kahit hindi naman sya ang tatagay.
Diary, masama ba ang maging ganito kasaya?
Namumula pa rin tuwing naaalala 'yong nangyari,
Ylona
*****
When we were in high school, crush pa lang kita. But during this time, I already knew that it's more than that. Alam ko na by this time na mahal na talaga kita. And I told myself that I will pursue you. Kahit anong mangyari. Kahit maghintay ako nang matagal. Bahala na si Batman. -Robbie.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro