January 5, 2006
Dear Diary,
Birthday ko na naman. Tumanda na naman ako nang isang taon.
Pagkatapos ng mahabang bakasyon, napag-isipan na siguro ni Ivan na hindi siya tatagal ng anim na taon. Kaya hindi na lang sya tumuloy. Sabi ni Lotlot, narinig nya raw na pag-fourth year college na lang daw ako, saka na lang daw ako liligawan. Pero malabo 'yon. Anim na taon? Ang daming pwedeng magbago.
Nga pala, binigyan ako ni Derrick ng chocolate. Galing daw kay Robbie. Happy birthday daw.
Diary, ibig sabihin ba nito bati na kami? Saka... kailangan ko rin ba syang regaluhan? Kinuha ni nanay 'yong napamaskuhan ko, e. Wala akong pera. :(
Babatiin ko na lang siguro sya? Kaso medyo nahihiya ako. Ang tagal na naming hindi nag-uusap.
Pero kung hindi man lang ako magti-thank you at babati sa kanya, nakakakonsensyang tanggapin 'yong chocolate na bigay nya. Baka saktan ako ng tiyan kapag hindi ako nagpasalamat.
Kaso... paano?
Aligaga bigla,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro