
February 15, 2005
Dear Diary,
Nagkasakit ako. Naambunan kasi ako kahapon nang pauwi na. Tapos kinain ko pa 'yong chocolate na bigay ni Robbie. Nilibre pa ako ni Lotlot ng palamig na sobrang lamig. Tapos, birthday ni Kuya kahapon kaya may ice cream sa bahay.
Pumasok pa rin ako kanina kasi hindi naman masyadong malala ang sakit ko. Dahil alam kong hindi pa malala, sigurado akong paglilinisin ako ni nanay ng bahay. Mas mabuti na 'yong pumasok.
Kaso... lalong lumala. Umuulan kasi kanina tapos antok na antok na antok ako. E, kailangan naming maglinis ng area sa hapon. Kahit umuulan. Nagwalis lang naman kami habang nakapayong, pero nanuot yata 'yong lamig sa katawan ko.
Naawa si nanay kaya sinabihan akong huwag na munang pumasok bukas kapag masama pa ang pakiramdam ko.
Matutulog bukas maghapon,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro