Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

February 14, 2005

Dear Diary,

Happy Valentine's Day! Kaninang umaga, pinaggawa kami ng card para sa Valentine's tapos ibigay daw namin sa kung sinoman ang gusto naming bigyan. Hindi raw naman exclusive sa crush o boyfriend/girlfriend. Pwede raw kahit sa mga magulang o mga kaibigan.

Dahil alam kong hindi sweet si nanay at mas gugustuhin nyang magpakita ako ng pagmamahal sa pamamagitan ng paglilinis at paggawa ng mga gawaing-bahay, kay Lotlot ko na lang ibinigay 'yong card ko.

Gumawa sya ng marami kasi marami raw syang crush tapos binigyan nya ako ng isa para raw may matanggap naman ako. 

Kaninang nagtapon ako ng basura, nakita ko si Robbie, maraming bitbit na cards at chocolates. Nakalagay 'yong chocolates sa plastic. 'Yong cards hawak nya. Papalapit sya sa sinisigaang mga basura kaya naisip ko na plano nyang itapon 'yong cards.

Pinigilan ko sya. Sabi ko sayang 'yong efforts no'ng mga nagbigay. Kaya hindi nya na itinuloy. Ibinigay na lang nya sa 'kin 'yong cards tapos sabi, "O, e 'di ikaw ang magtabi nyan."

Ano naman ang gagawin ko sa love letters ng iba sa kanya, diary? Pagagalitan lang ako ni nanay sa dagdag kalat. Pero tinanggap ko na kasi binatuhan nya ako ng isang Butterfinger. Masama na raw kasi ang tingin ko sa chocolates nya.


Nagbabasa ng korning love letters,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro