Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 9, 2005

Dear Diary,

Something red ang tema kanina. Nakakuha ako ng isang tangkay ng pulang rosas. Mabuti nga't hindi nayupi sa dami ng regalo, e. Siguro sa ibabaw sadyang inilagay.

Pag-uwi ko kanina, tinanong ako ni nanay kung saan galing 'yong bulaklak. Medyo na-excite sya kasi akala may nanliligaw na sa 'kin. Tapos napalitan din 'yon agad ng pagkadismaya nang sabihin kong monito/monita 'yon.

Atat na talaga si nanay na maligawan ako. Hindi ko rin daw naman dapat sagutin. For experience lang. Sinabi ko na sa kanyang bawal ligawan ang catechists. Ang sabi ba naman, "Naiinggit lang 'yong mga madre sa inyo kasi kayo, pwedeng ligawan. Sila, hindi."

Adik talaga ni nanay.


First time makatanggap ng bulaklak,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro