December 25, 2009
Dear Diary,
Bago ako umuwi ng pasko, nagkita kami ni Derrick sa pier. Madaling-araw noon. Bago ako sumakay ng bangka, nag-usap kami. Sinabi nya sa 'kin na ayaw naman talaga nyang makipag-break pero 'yon daw ang tingin ni Lotlot na makakabuti sa kanila kaya pumayag sya. Binabantayan daw naman nya para walang manligaw na iba, pero hindi rin daw sya masyadong worried kasi sa pag-aaral daw talaga naka-focus si Lotlot.
Binigyan nya ako ng regalo, diary. 'Yong paborito ko. Chocolates! Tapos kapalit noon, may pabor, syempre. May malaking teddy bear syang ibinigay sa 'kin. Balot na balot ng plastic para hindi mabasa. Maalon kasi kapag December.
Ibigay ko raw kay Lotlot kasi hindi sya makakauwi ng pasko. O baka ayaw lang nyang umuwi? Hindi ko sure. Sabi ni Lotlot bihira na raw silang magkausap sa school, e. Parang lumalawak na 'yong distance. Kaya siguro hindi na umuwi si Derrick.
Tapos may ibinigay syang isa pang regalo. Nasa paper bag naman. Scarf ng Hufflepuff. Pinabibigay daw ni Robbie.
Nakita ata ni Robbie 'yong post ko dati about Harry Potter. 'Yong kaklase ko kasi, may isang set ng HP na paperback. Hiniram ko tapos dalawang linggo ko yatang binasa 'yong buong series. Ang tagal din na puro Harry Potter ang laman ng newsfeed ko.
Sinort ko na ang sarili ko sa Hufflepuff. Plano ko nga sanang bumili ng HP items pero hindi ko alam kung saan makakabili.
Since nakita ni Robbie 'yon, ibig sabihin bang hindi na ako naka-block sa kanya?
"Pakisabi na lang na salamat," sabi ko kay Derrick. Tinanggihan ko pa 'yong regalo noong una. Pero sabi ni Derrick, tanggapin ko na raw. Indirectly naman daw na humihingi ng sorry si Robbie. May number ko nga raw kaso nahihiyang mag-text dahil sa nangyari.
Mabuti nga 'yon, diary. 'Wag na syang mag-text kasi baka awayin na naman ako ng girlfriend nya.
Pero tinanggap ko na rin 'yong regalo saka sinabi ko kay Derrick na okay na kami ni Robbie. I mean, napatawad ko na. Pasko naman, e.
Nang makauwi ako, nag-agawan pa 'yong mga pamangkin ko sa teddy bear. Buti na lang sumingit si nanay. Akala kasi bigay ng manliligaw ko. Nang sabihin kong pinapabigay ni Derrick kay Lotlot, saka lang sila tumigil.
Alam mo ba, diary, nang iabot ko kay Lotlot 'yong teddy bear, kitang-kita kong nanginang 'yong mga mata nya. Pero halata rin na malungkot sya. Tinawagan nya si Derrick agad-agad tapos nag-thank you sya. Tapos nagkumustahan sila.
Ang polite nilang mag-usap, diary. Parang careful masyado. Pero hindi pa rin sila nagkabalikan after that. Umasa pa naman ako nang slight.
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro