December 25, 2007
Dear Diary,
Merry Christmas!
Dahil binibigyan ako ni nanay ng allowance at malayo ako sa kanya, nakaipon ako ng pera. Binibigyan din ako ni kuya ng kaunting "pahingi" kaya hindi ako nagigipit. Kaya nang umuwi ako, may dala akong basket na may lamang samu't saring groceries. 'Yon bang magkakahalo 'yong panggawa ng spaghetti, gano'n.
Ito pa pala ang kagandahan ng college student: hindi kinukuha ni nanay 'yong extra kong pera. Binibigyan pa ako kapag may spare sya. Malayo raw kasi ako kaya mahirap kapag kinulang sa pera. Mabuti na nga lang at hindi ako magastos. Mura naman ang mga pagkain sa Lucban. Walking distance lang din ako sa school ko. Sa tita ko naman ako nakatira kaya walang gastos sa bahay. Ambag ko lang e pang-grocery. Tatatlo lang naman kami kaya tipid din.
Ibinili rin pala ako ng cellphone ni nanay. Para may pang-text at pangtawag daw ako. Hindi naman ako naglu-load kasi si Lotlot lang at si nanay ang madalas na nagti-text. Si Lotlot, puro GM pa. Gusto ko nga ring mag-GM kaso dadalawa lang naman sila sa contact list ko. Ayaw ko pang i-GM si nanay. Baka masabihan ako na ang dami kong kadramahan sa buhay.
Kanina pala, pumunta kami sa bahay ng tita ni Robbie. Sabi kasi ni Lotlot, baka umuwi raw si Robbie, hindi lang nagpapakita. Pinakain kami ng tita nya tapos nakipagkumustahan, pero nasa Singapore daw si Robbie, kasama ng mommy nito. Doon daw magpapasko saka bagong taon.
Kailan kaya sya uuwi, diary?
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro