Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

December 22, 2006

Dear Diary,

Medyo emotional 'tong araw na 'to. Since last Christmas party na namin, marami kaming ginawang special. Pinayagan pa kami nina Sister na magtagal nang isang oras pa sa classroom bago kami makisali sa event sa social hall.

Bale, pinagdala kami ni Misis ng ballpen. Tapos kanina, inayos namin 'yong mga upuan para nakapalibot sa classroom. Umupo kami lahat tapos pati si Misis, kasali. Nilagyan namin ng pangalan ang bond paper. Sa upper left corner. Tapos ipinasa namin sa nasa kanan namin. 'Yong papel na nakuha namin, sinulatan namin ng good qualities noong tao. Tapos pasa ulit. Tapos sulat ulit. Hanggang sa bumalik sa amin ang papel.

Tapos, sa exchange gift namin, kung sino ang magbibigay ng regalo sa nabunot, pupunta sa gitna tapos magbabasa ng nakasulat sa papel nya. 'Yong nakakuha ng atensyon nya. 'Yong memorable. Anonymous naman ang nagsulat pero 'yong iba kasi, halata mo na ang handwriting.

Ayun, pagkasabi nya ng nagustuhan nyang nakasulat sa papel, ibibigay nya na 'yong regalo nya sa nabunot nya tapos ulit na naman hanggang sa mabigyan ng regalo lahat.

Binigyan din kami ni Misis ng tig-iisang Kitkat. Umiyak pa sya kasi kami raw 'yong paborito nyang advisory class. Mami-miss nya raw kami next Christmas. Naiyak ako, diary. Ramdam ko na 'yong lungkot. :(

Nagregalo rin si Lotlot sa akin. Headband. Si Derrick, binigyan ako ng teddy bear na figurine. 

Pagkatapos ng Christmas party namin sa classroom, umakyat na kami ng social hall para sa sayawan. Bandang alas otso, inantok na ako, pero papunta pa lang ako sa tulog nang maalimpungatan ako dahil sa mga nag-uusap sa tabi ko.

Person 1: "Isayaw mo na!"

Person 2: "Nakita mong tulog, e."

Person 3 (sigurado akong si Lotlot): "Gigisingin ko."

Person 2: "Wag na."

Person 1: "Hindi mo na naman isasayaw?"

Person 2: "Hayaan nyo na."

Sobrang lakas ng kaba ko kanina. Nahiya na rin akong mag-angat ng ulo kasi baka sabihin nila, porket narinig ko na may gusto sa 'king magsayaw e nagising ako bigla.

Nang mag-announce sila na last dance na, saka lang ako "gumising". Tapos nakita kong tulog din pala sya.

Nang mag-uwian, sabi ni Lotlot, para raw kaming tanga. Hindi naman sya nag-explain kung bakit nya nasabi 'yon. Basta iniabot nya lang sa 'kin 'yong paper bag na kanina nya pa dala-dala. Akala ko regalo nila ni Derrick kasi pareho silang nakangiti.

Isang set ng acrylic paint 'yong laman. 'Tong maliliit na tubes ng acrylic paint. Twelve colors. 

To: Ylona

Merry Christmas!

From: Robbie

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro