December 19, 2003
Dear Diary,
Bukod sa puyat ako sa pagri-review, puyat pa ako dahil sa simbang gabi. Obligado kaming sumimba dahil relihiyoso ang tatay ko. Gustong kinukumpleto ang simbang gabi. At mas pagpapalain daw kami kung buong pamilya kaming magsisimba.
Kaya nakatulog ako bigla sa klase. Napagalitan ako :(
Pero ayos lang dahil pasado naman ang lahat ng exams ko. Tapos, no'ng Sabado pala, pagkatapos naming maglinis, binigyan kami ni Sister Macrina ng chocolates!
Kaso, expired na kinabukasan. Saka sobrang kunat na. Pero ayos naman, hindi naman sumakit ang tiyan ko.
Christmas party na pala namin sa isang araw. Wala akong bago hahaha. Pero hindi na ako nagreklamo dahil maraming ambagan. May ambagan kami sa Christmas party. 'Yong iba kong mga kaklase, inako na 'yong ibang pagkain. Ako, dahil walang pera, tumulong na lang sa paghahanda noong ibang pagkain.
Buti na lang, 50 pesos lang 'yong regalo.
Ano kaya ang mas magandang ibigay: alarm clock o mug? O face towels kaya?
Maghahanap sa peryahan bukas,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro