Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

August 26, 2003

Dear Diary,

Confirmed. Wala akong gagawin sa Intrams kundi maging water girl. Tatlo kaming walang gagawin. Pinapasali ako ni Lotlot sa board games pero nahihiya ako. Marunong naman akong mag-Scrabble, pero hindi ko alam kung sapat na 'yong galing ko para maipanalo ang year namin.

Medyo naiinggit ako sa kanila, diary. Karamihan kasi sa mga kaklase ko, kasali na sa sports, kasali pa sa cheering squad. 'Yong iba nga, tatlo-tatlo pa ang sasalihang laro. Si Lotlot, kasali sa badminton. Si Robbie, volleyball saka table tennis. Sabi ni Lotlot, kapag daw nagkataong sabay sila ng oras maglalaro, ako raw ang tumayong proxy. 

I-cheer ko raw si Robbie tapos i-cheer ko rin sya.

Paano ko hahatiin ang sarili ko, diary? 


Hindi marunong sumigaw,

Ylona


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro