Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

August 23, 2006 8:04PM

Dear Diary,

Nagkasakit ako nang weekend dahil sa sunod-sunod na practice, extra curricular activities, exams, at ulan na sinuong ko kasi nakalimutan kong magdala ng payong. Nagpumilit akong pumasok nang Wednesday na e hindi pa rin ako gumagaling. First time kong makatulog sa klase. Binigyan ako ni nanay ng gamot. Sabi non-drowsy raw. Mali pala sya ng naibigay kaya tinulugan ko 'yong Filipino subject namin. Tapos pinauwi ako ng teacher.

Sa dinami-rami naman ng pwedeng utusang maghatid sa akin sa gate, sya pa. Mabuti na lang paos ako dahil sa kauubo. May excuse para hindi magsalita.

Ang tangkad nya na pala lalo, diary. Napansin ko lang.


Antok na antok na,

Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro