August 20, 2005 12:13AM
Dear Diary,
Grabe sobrang busy sa school. Nagtuturo kami sa mga grade 2 students sa public elementary school tuwing Martes at Huwebes. May band practice tuwing hapon pagkatapos maglinis ng classroom at area. May misa pa araw-araw at may attendance ang catechists. Kami rin ang nagdadasal ng Angelus at 3 o'clock prayer.
Tapos, tuwing Sabado, may band practice, linis ng scholars, at pag-aayos ng simbahan ng catechist. Tapos, tuwing linggo, dapat kaming sumimba at magpakita kay Sister Macrina. Sa upuan ng choir kami required umupo. Kung mamalasin pa, pagkatapos ng simba, may gagawin pa kami.
Idagdag mo pa ang quizzes, projects, assignments, at exams. Wala na nga akong oras matulog minsan. Bukod pa 'yong ginagawa sa clubs at orgs at kung may mga iniuutos pa ang teachers. Grabe. Sana may sweldo kapag nag-aaral... bukod sa baon.
Alas singko pa lamang ng umaga, dapat gising na ako. Dahil si nanay ang namamalantsa at naglalaba ng mga damit ko, nakatoka ako sa pagsasaing tuwing umaga. Alas sais o 6:30, dapat ligo at bihis na ako. Quarter to seven, dapat nasa school na.
Uuwi ako ng alas sais o alas syete. Kakain lang, gagawa ng assignments tapos may practice pa para sa cheering sa Intrams. Pagkakain ko minsan, aalis uli ako para makipag-practice. Tapos uuwi ng mga 10. Kapag di ko pa tapos ang assignments, gagawin ko muna 'yon bago matulog.
Buti Biyernes ngayon. Ay, wait. Sabado na pala. Hindi pa lang ako natutulog kasi umiinom ako ng gatas. Sabi nila, beauty comes from within. Kapag ba uminom ako ng gatas, puputi ako?
Curious lang,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro