August 13, 2004
Dear Diary,
Matapos ang ilang linggo ng libreng supply ng chocolate, sumubok si Ivan na ihatid ako sa pauwi. Kagagaling namin sa club meeting ni Lotlot kanina. Nasa may plaza na kami nang makita naming nakaupo sa sementadong bench si Robbie, Ivan, at dalawa pa nilang kaklase.
Nang makita ako ni Robbie na papalapit, kinuhit nya si Ivan tapos pasimple akong itinuro. Sa kaba ko, tumigil ako sa tapat ng nagtitinda ng fishball, ilang metro lang ang layo sa kanila.
"May pambili ka?" tanong ni Lotlot.
"Wala," nakangiwi kong sagot kanina. "Ilibre mo 'ko. Kahit limang piso lang."
"Susko po! Buti na lang kasama mo 'ko!"
Bumili kami ng fishball. Salapi lang naman ang isa kaya tig-sampung piraso kami ni Lotlot. Pagkatapos namin, nandoon pa rin sina Robbie kaya hinila ko si Lotlot papunta sa Tatin. Wala rin akong bibilhin, diary. Maniningin lang ng paninda. Ubos na kasi ang baon ko.
Nang makita kong hindi pa rin sila umaalis, inaya ko si Lotlot pabalik ng simbahan. May daan kasi sa gilid no'n, 'yong daan na papuntang pantalan. Doon na lang kami dumaan ni Lotlot pauwi.
Diary, kailangan ko na yatang magtira ng perang pang-tricycle sa hapon.
Natatakot umuwing mag-isa,
Ylona
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro