Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 3, 2009

Hi Diary,

Nakakatawa lang. Huling entry ko rito bago ako bumalik ng Lucban, naging friends kami. Tapos ngayon, naka-block na ako sa kanya.

Noong una, nahihiya pa akong mag-message sa kanya hanggang sa isang araw, kinapalan ko na lang ang mukha ko. Bakit ba kasi ako mahihiya? Mangungumusta lang naman. Tapos parang sunod-sunod na araw akong online noon kasi magkachat kami tuwing gabi. E, wala namang computer sa bahay kaya sa internet shop ako tumatambay. Lagi kong dahilan sa tita ko, may project ako.

Tapos, medyo nag-lie low dahil napapagastos ako. Hindi pwedeng sobrang dalas. Nang hingiin nya 'yong number ko, saka lang kami nakapag-usap sa text.

Tapos, nang mag-Feb, nalaman ko na may girlfriend na pala sya. Paano ko nalaman? Kasi nag-chat sya bigla pero iba ang tono. Akala ko naman, may something lang sa kanya kaya iba 'yong way nya ng pagkausap sa 'kin. Tapos parang nilandi-landi nya ako. E, hindi naman sya ganoon, sa pagkakakilala ko. Hindi ko pinatulan. Natakot din kasi ako noon kaya sinasalag ko 'yong mga pasakalye nya.

Tapos bigla akong minura. Girlfriend nya raw 'yon. Bakit daw ako nakikipag-chat. Bakit daw mas madalas pa akong i-chat. E, malay ko ba.

Hindi ko naman alam na may girlfriend sya. Sana sinabi nya, di ba? Para hindi ako tumambay ng computer shop nang ilang araw para lang araw-araw syang makausap.

Blinock ako noong babae. Tapos inaway din ako sa phone kaya bumili na lang ako ng bagong sim card.

Umiyak ako noon, diary,pero wala akong pinagsabihan. Nag-focus na lang ako sa pag-aaral tutal 'yon naman talaga ang dapat na ginagawa ko.


Ylona

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro