Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 26, 2010

Dear Diary,

Simula noong gabing 'yon, palagi na kaming nagkikita-kitang apat. Araw-araw 'yon. Walang palya. Kumakain kami sa labas. Nagmu-movie marathon. Tumatambay sa pantalan. Minsan, nanunuod lang kami ni Lotlot habang naglalaro ng basketball 'yong dalawa sa plaza.

Tini-text din ako ni Robbie paminsan-minsan, pero hindi na namin pinag-usapan 'yong nangyari. 'Yong mga simpleng greetings lang, magtatanong kung ano ang ulam, kung kumain na ako, kung tulog na ako... 'yong mga ganoon.

Kapag nasa labas kaming apat, sinusubukan nilang iwasang pag-usapan 'yong nangyari para hindi ako mailang. Noong sumunod na araw kasi, nang makauwi kami galing sa overnight, nagyaya sila pero hindi ako sumama. Akala nila galit ako, pero sinabi ko kay Lotlot na nahihiya lang ako.

Kaya todo effort sila na i-exclude 'yon sa mga usapan. Kaso, kanina, nang inihahatid na kami pauwi, narinig naming tinanong ni Derrick si Robbie. Nilakasan yata nang sadya para marinig ko.

"Kailan mo liligawan?"

Nasa unahan kami ni Lotlot. Nakahawak ako sa braso nya habang naglalakad. Nasa likuran namin 'yong dalawa. Siguro mga isang metro rin ang layo nila.

"Hindi pa nga pwede!" sagot ni Robbie.

Saka umepal si Lotlot. "Pwede na 'yan! Bawal nga lang sagutin 'yong manliligaw. Pero pwede nang ligawan."

Hindi nasindak si Lotlot sa pandidilat ko.

"O, pwede na pala, e! Ligawan mo na tapos pagka-graduate ka na lang ng college sasagutin."

"Sasagutin nga ba?" -Robbie

Nag-iwas ako ng tingin nang mapatingin sya sa 'kin.

"Sasagutin ka nyan." -Lotlot

"Kung makapag-usap kayo, parang wala ako rito a," himutok ko naman. Lagi na lang akong kinakabahan. Nakakainis.

"Pinag-uusapan na namin sa harap mo para malinaw," sabi sa akin ni Lotlot. Saka nya nilingon 'yong dalawa. "Kakausapin ko si Tita kung gusto mo. Basta ligawan mo na 'to."

Hinila ko si Lotlot para bilisan nyang maglakad.

Pagdating namin sa bahay, kinausap nga nila si nanay. Ako naman, nagkulong sa kwarto. Pero ang lakas kasi nilang mag-usap, diary, rinig ko lahat. Panay ang habilin ni nanay kay Robbie. Ang usapan daw, hindi ko sasagutin hanggat hindi pa ako nakaka-graduate. Tapos dahil may board exam ako, hintayin pa raw na makapasa ako. Hanggat hindi pa ako nakakapasa, hindi pa ako pwedeng mag-boyfriend.


Na-pressure tuloy,

Ylona


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro