Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

April 21, 2011


Hi Diary,

It's been a while. Naging sobrang busy ako kasi ang daming ginagawa. Nakatutok ako sa thesis namin kaya parang nagkaroon ako ng sariling mundo. Hindi na ako masyadong nakapag-online. Pagbisita ko, ang dami kong notifications.

Hindi rin masyadong tumatawag si Robbie. Kapag kailangan ko lang ng kausap. Kasi may time na parang nalulunod na ako sa pressure. Kailangan ko kasing i-maintain ang grades ko. Umiyak pa yata ako noon sa kanya. Ginusto pa nga nyang pumunta ng Lucban kaso sabi ko huwag na. Nagti-thesis din kasi sya.

Pero worth it lahat ng paghihirap. Graduate na ako!! Hoooo! Sobrang saya ko kasi cum laude ako. Hindi ko na pinangarap na maging summa o magna kasi kulang ako sa extracurricular activities.

Nasa Baguio pala kami nina Lotlot ngayon. Ipinagpaalam nila ako kay nanay. Pumayag naman si nanay kasi bukod sa libre ni Robbie 'yong pamasahe ko tapos sila naman ang kasama ko, nag-graduate ako with honors. Pero uuwi rin naman kami sa amin next week.

Hindi pa lang kasi ako nakakapunta ng Baguio kaya ipinilit ko talaga. Reward ko na rin sa sarili ko. Since libre 'yong pamasahe ko, pocket money na lang ang ipinadala ni nanay. Bumili raw ako ng strawberries. Masarap kaya 'yon? Hanggang strawberry jam lang ako, e. Saka strawberry-flavored na pagkain.

Ang cute pala nina Derrick at Lotlot kagabi. Nagpunta kasi kami sa night market, bandang mag-a-alas dose na. Sobrang daming mabibiling ukay-ukay! Binilhan ako ni Robbie ng isang malaking unan na tigti-300. Sabi ko huwag na kaso ipinilit. Hindi naman ako tumatanggi sa grasya kapag pinipilit.

Tapos, nakita kong kumuha ng magandang scarf si Derrick tapos isinuot kay Lotlot. Nakatingala lang si Lotlot kay Derrick habang ginagawa ni Derrick 'yon. Medyo nag-slow mo 'yong oras.

Tapos nabahing si Lotlot kasi maalikabok yata 'yong scarf. Tapos nagtawanan sila.


Umaasa pa rin para sa kanila,

Ylona


P.S. Hindi ko pa pala pwedeng sagutin si Robbie kasi may board exam pa. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro