
June 12, 2014
Dear Diary,
Nag-leave kami nina Lester para dumalaw naman sa parents nina Migs sa Laguna. Independence Day, wedding anniversary, birthday ng mama at papa nya tapos piyesta pa sa San Antonio, Kalayaan, Laguna. O di ba? All in one! Kaya sobrang bongga ng handaan sa kanila.
He introduced me to them and told them that we're already having a baby. Migs came from a huge clan. Kahit sa mismong pamilya nya pa lang, sobrang dami na nila. Isa sya sa mga bunso ng pamilya and it turns out na hindi lang sya ang may ganoong case.
Yung dalawa niyang pinsan ay napilitang ipakasal dahil ayaw nila ng mga batang isisilang ng hindi pa kasal ang magulang.
Yun ang problema ko ngayon, diary.
Gusto nila kaming ipakasal agad bago ko maisilang ang bata.
Na-pressure bigla,
Ingrid
P.S. Kasama nga pala namin si Eliza. Mukhang going strong sila ni Lester. Kaloka!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro