Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 31, 2014

Dear Diary,

Parang gago lang talaga itong si Migs. Ngayon naman ang bait-bait nya! Hot and cold! May saltik talaga 'to. Nag-sorry rin sya kay Jess and he even invited us all to lunch, kami nina Lester. Syempre KKB. Aasa pa ba kami?

The only time na nainis ulit sya e nung sinuggest ko na isama namin si Marion. So hindi ko na isinama si Marion. Kami na lang apat.

It's good to have the old him back, kahit gaano pa kakuripot, ka-sarcastic o kawalanghiya nya. Sana lang tigilan nya na ang pagsi-self pity.

Nabanggit nya kasi sa 'kin na parang nahihiya na raw sya kasi hindi man lang nya ako mailibre ng mamahaling pagkain. Binatukan ko sya, diary. Tapos sabi ko, okay lang 'yon kasi may pamilya syang inaalala. Ginatungan ko pa ng "ang selfless mo nga e".

Ayon, tinawag nya akong ate. Feeling daw nya ate nya ako.

Arayyy... hashtag atezoned naman?

Affected,

Ingrid

P.S. Tatawagin ko syang bunso starting Monday. Para kunwari magkapatid kami.

P.P.S. Manunuod daw kami ni Marion ng Robocop sa IMAX. Libre nya! Aweeee!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro