January 30, 2014
Dear Diary,
Pesteng Migs na 'yan! Galit na naman! Ano na naman ba ang ikinagagalit nya? Sarap sapatusin e! Sabi ni Lester baka raw nagseselos kasi si Marion ang kasama ko ung lunch at merienda. E nyeta pala sya e. Natural dun ako sa isa sasama! Kung hindi ba naman kasi sya saksakan ng suplado this week e!
Nagtaka pa talaga sya. Jusme! Naiirita ako ng sobra!
Nakipag-dinner pa ako kay Marion. Bahala si Migs sa buhay nya!
HAHAHAHA. Push.
Nagmamaldita,
Ingrid
P.S. Kung maka-"Anyare sa inyo ni Migs?" naman ang mga officemates ko, aakalain mong naging kami ni Migs. LOL. Sinabi ko na kasi sa kanilang hindi ko sya gusto, ayaw nilang maniwala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro