January 28, 2014
Dear Diary,
Dahil sa ayaw pa rin akong kausapin ni Migs, si Lester naman ang inaya kong makipag-lunch.
"Alam mo, nanghihinayang pa rin ako sa 'yo. Magpakalalaki ka nga para tayo na lang!" sabi ko sa kanya.
Niyakap nya ang sarili na at tumingin sa 'kin na parang diring-diri. "Di kita bet, sister! Sorry na kung ibi-best friend zone kita!"
Nagtawanan lang kami after that tapos nakwento ko sa kanya 'yong concern ko kay Migs at 'yong tungkol kay Marion. Choosy raw ako, ang sabi ng bakla. Gahaman pa sa lalaki. Makuntento raw ako sa isa. Jusme! E pano kung 'yong kaisa-isang may gusto sa 'kin e mukhang hindi pa seryoso?
Sabi pa ni Lester, he'll take Marion off my hands na lang daw para makapag-focus ako kay Migs. Ughhhh!!
And speaking of that little devil, he invited me to have dinner with him. And I had no time to reject his offer. Binanatan nya ako agad ng "Birthday ko kahapon." Edi push. Saka para daw matanggal ang inis nya sa 'kin.
Hindi na rin ako nag-comment nang ilibre nya 'ko ng dinner sa isang mamahaling restaurant. Na-guilty ako nang hindi nya ipakita sa 'kin 'yong bill. Kinontian ko nga lang ang order ko pero sya 'yong nagdagdag. Nakakahiya tuloy.
Diary, hindi ako sanay ng nagsusungit sya. Iba 'yong feeling. Nakaka-guilty.
Sana hindi maempatso sa dami ng kinain,
Ingrid
P.S. Back to normal na kaya kami bukas?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro