January 27, 2014
Dear Diary,
Kagaya ng inaasahan ko, wala si Migs. Nag-birthday leave ang mokong. Ang mga walanghiya kong officemates, panay ang email sa 'kin. Ano raw ang gagawin namin ngayong birthday nya. Sasagutin ko na raw ba sya bilang pa-birthday? Luh? Porket birthday, kailangang sagutin?
Aside from that, sangdamakmak na greetings ang bumaha. Marami rin kasing nagmamahal kay Migs dahil madaldal sya at masayahin. He befriends everyone. Siguro kaya hindi ko feel na seryoso sya sa 'kin e dahil sa hindi naman iba ang trato nya sa 'kin.
He treats me like anybody else. Why would a woman like me feel special?
Hindi ako bitter, diary. Sinasabi ko lang ang napapansin ko. Syempre kung tatratuhin ka naman nya na kagaya ng pagtrato nya sa lahat ng kaibigan nya, ano ang makikita mong difference aside from the fact na nagpaalam sya sa 'yong liligawan ka nya?
Di ba wala? Feeling ko nga jinu-joke lang nya 'ko e. I'm pretty sure he's not that serious.
Nagtatanong lang,
Ingrid
P.S. Nakakwentuhan ko si Marion kanina kasi tambay ako sa pantry. Mahiyain pala sya.
P.P.S. Sinunggaban ako ng bear hug at beso-beso ni Lester. Na-miss daw nya 'ko. Nanghihinayang pa rin ako sa lalaking 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro