January 20, 2014
Dear Diary,
Talaga yatang walang hiya sa katawan itong si Migs. Ipangalandakan ba naman sa lahat na nanliligaw sya! At ang magagaling ko namang officemates, botong-boto sa 'ming dalawa. Ever since he came to the company, their attention zeroed to me. Ang mga katrabaho ko, lahat ay may asawa o boyfriend na. 'Yong mga wala pa, ang babata naman!
Meron namang mga kagaya ko na hanggang ngayon ay single pero ako lang yata ang bukod tanging NEVER pang nagkaroon ng karelasyon sa talambuhay nya.
Saya, di ba?
Magdadalawang taon na akong consultant nang kontratahin ng kumpanya si Migs. Ang masaklap noon, after six months lang, na-regular na sya. Simula noon naging bitter na ako sa kanya. Idagdag pa na madalas nila akong iloko sa kanya.
Ayaw ko nga sa kanya, diary. For chrissake, he's four years younger than me! Hindi one. Hindi two. Ni hindi pa naging three kundi four!
Ang dream guy ko e 'yong lalaking mas matanda sa 'kin para mas matinong mag-isip, may stable job at may sense of responsibility hindi kagaya ni Migs na isip-bata!
Bakit ganun ano, diary? Kapag hindi mo gusto, sya ang ipinagpipilitan sa 'yo. Kainis.
Hindi maganda ang Monday,
Ingrid
P.S. Mukha ba akong pedo kung ganoon kalaki ang agwat ng edad namin?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro