Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 19, 2014

Dear Diary,

Okay. So the date was okay. It was definitely an upgrade from last time. At least nanlibre si Migs ngayon! Kaso asar, sa Jollibee lang ako nag-ayang kumain. Akala ko kasi KKB na naman! Ang unpreditable talaga ng taong 'to! Tapos nag-aya syang manuod ng movie. Kaso KKB raw so hindi na lang.

Nakuntento na lang ako sa pagtambay-tambay at paglalakad.

Alam mo ang nakakairita, diary? Sa ganda ng ayos sa 'kin ni Lester, ni minsan hindi ako pinuri ni Migs. Dapat pinuri nya ako. Sana nambola sya! Pano ko sya magugustuhan kung hindi nya ako bobolahin? Hmp!

Sabi pa nya, labas daw ulit kami next time. Sabi ko ayaw ko. Sabi nya, "Okay. Ita-tag na lang kita sa Facebook."

Kahit hindi nya sabihin kung ano 'yong ita-tag nya, alam ko na. Leche sya! Blackmail kung blackmail!

Kinwento ko kanina kay Jessica—over the phone—ang nangyari. Halos 20 minutes syang tawa ng tawa sa kabilang linya. Nang maputol ang tawag, tawa nya ang narinig kong sagot nang tumawag ulit ako.

Kainis!

Sige, diary. Maglalaba muna ako.

Nabi-bitter pa rin sa lahat ng nangyayari,

Ingrid

P.S. Sabi ni Migs sinabi sa kanya ni Jessica na bakla si Lester. Pinagtawanan nya ako dahil dun. Sabi pa nya, "Kala mo 'no? 'Wag ka ng umasa. Sa 'kin ka na mapupunta!"

P.P.S. Hindi ako nakatulog ng maigi kagabi dahil dun.

P.P.P.S. AYOKO PA RIN SA KANYA!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro