January 18, 2014
Dear Diary,
OMG, kill me now!!!
So last night, Lester and I went out. Nagpunta kami sa Greenbelt. Since magkapitbahay naman kami, walang problema kung gabihin man kasi same way naman.
DIARY!!! He called me girl!
And if that's not hint enough, he eyed some guy's ass. As in, stared at it na kulang na lang e mag-reach out sya to grab it! Nang tanungin ko sya kung bakla ba sya, tinawanan nya ako ng malakas.
"Ay bruha ka. Didn't you know?"
Maloloka na ako diary! Isang malaking pink na ekis ang ilalagay ko over his name on my list! I think I'll die of embarrassment!
He even said that he finds Migs hot. Owmayghaaad.
Ngayong araw supposedly, lalabas ako kasama si Migs. He threatened to use his knowledge of my undying yet unrequited love for Paulo against me kung hindi ako lalabas kasama sya.
What's with him and blackmail? Natutuwa ba syang lumalabas lang ako kasama sya dahil bina-blackmail nya 'ko?
Lester offered to do my makeup. Kailangan daw na maganda ako para sureball na sa akin na mapupunta si Migs. E ayoko nga sa kanya!
Diary, bakit ang dense ko pagdating sa mga bakla? 'Yong naging crush ko nung elementary, matagal na nilang sinasabing bakla pero hindi ako nakinig. Hanggang sa nagladlad ito noong grade 6 kami. First heartache ko 'yon.
Ngayon, nasa Japan na ito, mas maganda pa sa 'kin.
Huhuhu.
Naisahan na naman,
Ingrid
P.S. In fairness kay Lester, ang galing nyang magmakeup. Waaaae? Huhuhu.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro