Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

January 16, 2014

Dear Diary,

Since magkapitbahay kami ni Lester at magkatrabaho pa, sabay kaming pumasok at umuwi. That infuriated Migs and I found it funny. Kay Lester ako sumabay ng pagla-lunch, merienda at dinner.

Panay ang nguyngoy ni Migs. Kesyo raw sama ako ng sama sa hindi ko kilala. Kesyo raw iniiwasan ko sya. Kesyo raw hindi ko alam kung ano 'yong nami-miss ko. Arrogant, isn't he, diary?

Lester's a gentleman and he's fun to be around, palaging positive. Saka nilibre nya 'ko ng lunch! Si Migs ba nanlilibre? Friends lang naman kami ni Lester, so ano'ng masama dun? And it's AS IF kami ni Migs. Duuuh. Ni hindi ko pa nga sya gusto, binabakuran nya na 'ko?

Aba, hindi naman yata tama 'yon?

Isa pang asungot itong si Jessica. Hinila na naman nya ako sa isang tabi.

"Bakla 'yan!" sabi nya. "Bakla 'yang Lester! Nabahing ako sa kanya kanina."

"Gaga!" sabi ko sa kanya. "Tigil-tigilan nyo nga si Lester!"

"Totoo naman e. Hindi kita ng radar mo? Ayan, kaya NBSB ka! You can't even distinguish the straight from the cursive!"

Hindi naman bakla si Lester, di ba, diary? Malinis lang sya sa katawan at magaling pumorma. Normal lang namang mag-match 'yong deep blue nyang belt sa sapatos nya di ba?

Oh no no no. Hindi pa man ako naiinlab sa kanya, wawasakin nya na ang puso ko? Huhuhu. Sana hindi sya bakla.

Umaasa,

Ingrid

P.S. Hindi na sya maalis sa isip ko. Walanghiyang Jessica 'yan!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro